Komedya o Komida
Ni Derek Jorge
Komida Amelito’s

KOMEDYANTE rin itong “Amelito’s” dyan sa Sapang Putol, San Ildefonso, Bulacan, unlisabaw ang nilantakan ni Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal. Dalawang araw na lang at boodle fight na sa tanghalian ng Katarungang Pambarangay Binang First, Bocaue, Bulacan, syempre kasama ng panauhing pandangal KGG. Chairman Alfredo Quiambao, Christmas tipar. Usong uso ho kasi ang unlimited rice, gravy, soup, wings, samgyup at nakatuwaan naming tatlo ni Nidz Godino ang sabaw, egg soup. Kapag may natira kang rice, magmumulta ka ng P20, kapag gravy ang natira mo ay P10 multa. Yung sabaw walang multa kaya naka sampung puswelo yata si Kiwal. hindi rin naman ako nagkakanin kaya talo sa unlirice. P100 sa chicken sisig with unlirice kaya bonggang bonggang busog ang dalawa. Estilo naman talaga ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang kakaibang pananalita o “profane language”, totoong hindi hindi siya napigil noong nasa poder pa siya ng gobyerno pero hindi kaya nya alam na madalas edited ang talk nya? Ngayon namang wala na sya sa pwesto, at karaniwang tao na lamang sya, dapat lamang na icensor na sya. At ang programang dala nya, kastiguhin din. Sige SMNI umapela kayo, karapatan nyo iyon pero pananagutan nyo sa publiko ang pinagsasasabi nyo sa himpapawid. Sibak ang tatlong pulis na kumatay daw sa video ni yumaong Ronaldo Valdez, pero wala lang nangyari sa nilinis na crime scene sa pagkamatay ng isang beteranong announcer, kasi ba maimpluwensya? . Shout out din muna kay Bea Caalim. Maligayang bati Ginoo at Gng. Aristides Valdez, mabuhay ang bagong kasal. Jonathan Fernandez, muzta na, nagkakalimutan na tayo a. Problema ba, pag-usapan natin, ndgodino@yahoo.com.
