
Ni Redentor Oro
BATAS na mag-uutos sa mga bahay-kalakal na papasukin agad ang mga imbestigador sa sandal ng nakawan ang kailangan ng pulisya. Hinihiling ni PNP chief Oscar Albayalde sa senadong umakda ng batas na nag-aatas sa mga bangkong papasukin agad ang mga rumesponding pulis sa tuwing may nangyayaring nakawan.
Kasunod ito sa naganap na pangloloob sa Metrobank sa Binondo, Manila noong Hulyo 11 na hindi agad pinapasok ang mga rumesponding pulis.
Sinabi ng PNP chief, na mahalaga ang pagpasok agad ng imbestigador sa crime scene sa mabilis na pangangalap ng ebidensiya sa ikaaaaresto ng mga suspek.
Sinabi ni Albayalde na hindi lamang limitado sa bangko ang nasabing batas dahil kasama ang mga malls at hotels.
Umaasa ito na hahawakan ni Senator Ronald Dela Rosa ang paggawa ng nasabing batas dahil sa pagiging pulis nito dati.
