
ni Rally Abalon
“Walang Pasok daw…”
‘Ang lakas naman ng buhos ng ulan..’
Marami ang takot at iba ay masaya
Baha ang dulo at sa iba ay bakasyon
Kaya dami ang antay ng deklarasyon
Sa dami ng bagyo sa Pilipinas…
Para bang sa pag ulan lahat ay haras
Isipin mo sa ganito na tayo namulat
Ba’t parang sa ulan ay gulat na gulat
Oo lubog ang marami, cant you see?
Pero kung iisipin sala din natin beh!
Sa pag-tatapon lang ng mga basura
Akala ay ok dahil hindi agad nagbara
Sino bang talo kapag alang pasukan
Sabi nila studyante daw at magulang
Talo ba talaga o panalo na rin…
Di sila nastranded o uuwing basa din
Alang pasok ay karaniwang a talk…
Iba walang ulan, ayaw ding pumasok
Pananaw na maayos laging panalo
Meron o wala hahanap ng ikakatuto!
