29 Marso 2024, Biyernes
Biyernes Santo
supports Fire Prevention Month
deepest sympathy to family of the late Danilo Halili
deepest sympathy to family of the late Mario Cruz
deepest sympathy to family of the late Elyn Ocampo
supports Women Month March
joins Christian nations in observance of Lenten season
welcomes Bagong Bayani Monico Lopez Caranay
Komedya o Komida
Ni Derek Jorge

Ultrasound, ipinapiPhilHealth na
IPINAPAPAKETE na rin ni Health Secretary Teodoro Herbosa sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga serbisyong ultrasound at mammogram. Shout muna kina Bullet Bitag Chairman Emiritus Ricardo Sta. Ana, Pepito Nicandro, Binang 1st Chairman Alfredo Quiambao, mga nagsisipagtikang alalay sa summer vacation sa Manila North Road. Ipinatitiyak ni Herbosa ang serbisyo laban sa kanser sa tulong ng PhilHealth. Ipinahaharang ho ng mga maka-puloy ang pagpapaaresto rito ng senado dahilan sa pangiisnab nito sa hearing. Hinihirit ho ng nahihiyang abogado ni puloy sa SC ang “temporary restraining order” o kaya’y “writ of preliminary injunction” laban sa mandamyento de aresto ng senado kay puloy, labag daw iyon sa karapatang bigay ng konstitusyon kay puloy, “due process” at “self-incrimination.” E yung karapatan naman ng mga biktimang dalagitang binaboy raw paano na? kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal, kung saka-sakali, mararagdagan ang santang pango. Tumango na ang batikanong simulan ng simbahang katoliko ang proseo sa pagiging santa ni Nina Ruiz-Abad ng Sarrat, Ilocos Norte, nagpamudmod lang ng kung ano-ano noong nabubuhay pa, santa na. Mas mabuti naman ito kaysa ang sunong sariling bangkong puloy, anak dawn g dios. May utang ho kasi kasambahay si Ka Bella na 10k kay Olang, OFW sa Timbukto, nakahuhulog raw ho naman itong si Bells pero hindi pa panahon ng paghuhulog ay siningil na at nang mabigong maghulog dahil nga hindi pa naman panahon, inimarites sa facebook. Olang, sa galing-galing na ikaw ang may renda ng sitwasyon ngayon ikaw na ang marerendahan. Ang atraso ni Bells ay “sum of money” o “small claim”, kapag binayaran, quits na. Pero ang nasirang karangalan dahil sa marites sa fb, hindi na maibabalik pa. Wika ni Elong ay palitan naman ng paninira sa fb iyon, para nga makita ko, humarap kayo. Sa oras na maireklamo ni Bells si Olang sa pulis anti-cyber crime, posible syang mapauwi, baka pagsisihan nya ito at pati na kayong mga walang malasakit na nakikinabang kay Olang. Ano ba naman yung 5 minutong pagtityaga kung ihahambing sa pagkaresolba sa napipintong himagsikan.
Shout out muna sa Values Bocaue Advocates, Wilfredo Jimenez Jr., Alex Driodoco, Gemma Daseco, Delfin Lawa at Alex Castro. Shout out muna sa mga may “hang over” pang bagong Marked Men for Christ”. Nagsipagtapos ng phase 2 at 3 seminar sa Plaridel,Bulacan staff na kayo kung saka-sakali, unang staffing nyo ang Phase 1 sa San Carlos City, Pangasinan sa HUlyo 3-5, 2024. Jonathan Fernandez, nagkakalimutan na yata a..
