28 Marso 2024, Huwebes
Huwebes Santo
supports Fire Prevention Month
deepest sympathy to family of the late Danilo Halili
deepest sympathy to family of the late Mario Cruz
deepest sympathy to family of the late Elyn Ocampo
supports Women Month March
joins Christian nations in observance of Lenten season
welcomes Bagong Bayani Monico Lopez Caranay
Komedya o Komida
Ni Derek Jorge

Komedyanteng Olang
HUWAG nawang magsising alipin itong sina Tata Elong sa kanyang pagkikibit-balikat sa reklamo laban sa kanyang anak na nasa Timbukto, ako na ang naninikluhod na siputin lamang ang huling pagdinig makamahal na araw alang-alang sa mahaderang apong nagbibiro sa social media. Shout muna kina Bullet Bitag Chairman Emiritus Ricardo Sta. Ana, Pepito Nicandro, Binang 1st Chairman Alfredo Quiambao, mga nagsisipagtikang alalay sa summer vacation sa Manila North Road. May utang ho kasi kasambahay si Ka Bella na 10k kay Olang, OFW sa Timbukto, nakahuhulog raw ho naman itong si Bells pero hindi pa panahon ng paghuhulog ay siningil na at nang mabigong maghulog dahil nga hindi pa naman panahon, inimarites sa facebook. Olang, sa galing-galing na ikaw ang may renda ng sitwasyon ngayon ikaw na ang marerendahan. Ang atraso ni Bells ay “sum of money” o “small claim”, kapag binayaran, quits na. Pero ang nasirang karangalan dahil sa marites sa fb, hindi na maibabalik pa. Wika ni Elong ay palitan naman ng paninira sa fb iyon, para nga makita ko, humarap kayo. Sa oras na maireklamo ni Bells si Olang sa pulis anti-cyber crime, posible syang mapauwi, baka pagsisihan nya ito at pati na kayong mga walang malasakit na nakikinabang kay Olang. Ano ba naman yung 5 minutong pagtityaga kung ihahambing sa pagkaresolba sa napipintong himagsikan.
Shout out muna sa Values Bocaue Advocates, Wilfredo Jimenez Jr., Alex Driodoco, Gemma Daseco, Delfin Lawa at Alex Castro. “I have been given to foreigners…if this is true, own up to it… if I’m wrong, correct me…my life is now in danger,” pag-iwas Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal sa mga kasong kriminal na kinakaharap ngayon ni Apollo Quibuloy, ang hirang na anak ng “dios”. Sa kanyang mahigit kalahating oras na “audio recording” sa Facebook, naghihimutok si Puloy sa anya’y sabwatan ng kano at President Ferdinand Marcos Jr. na “rendition” sa halip na extradition ,pagtatangka raw sa buhay nya at ng kanyang mga myembro. Parang napanood ko na ito Kiwal. Shout out muna sa mga may “hang over” pang bagong Marked Men for Christ”. Nagsipagtapos ng phase 2 at 3 seminar sa Plaridel, staff na kayo kung sakasakali, Jonathan Fernandez, nagkakalimutan na yata a..
