iskup news-on-line daily

Komedya o Komida

Ni Derek Jorge

Komedyanteng Puloy

Komedyante rin talaga itong  “hirang na anak ng dios” Apollo Quiboloy, may banta raw sa kanyang buhay. Shout out muna sa mga may “hang over” pang bagong Marked Men for Christ”. Nagsipagtapos ng phase 1 seminar sa Asia Pacific Theological Seminary, Baguio City. Itakda na agad-agad ang phase 2 Bishops Dante Agustin, Oliver Mutuc, Daniel Osorio. Hinihintay kasambahay ni  Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang hirit ekstradisyon ni Uncle Sam laban kay Puloy. Mayroon kasing usapang ekstradisyon kapwa ang Pinas at Tate na ibibiyahe sa mga ito ang kanikanilang tugis-kriminal. Sandal Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal, ‘di pa naman sentensyado si Puloy kaya ‘di pa kriminal. Ang hiling sa ulo ni Puloy ay tatanggapin muna ng DFA at ipapasa sa DOJ, aarestuhin ang nagtatagong Puloy at ibibigay sa kano. Sikat itong si Puloy, nasa US wanted list, saan ka pa. ‘Di ba anak ka ng dios Puloy, bakit kerbiyos ka sa takot, ‘di ba gwardyado ka ng anghel? Pati katawagang pastor, sini…,ayoko-ayoko Kiwal, high blood na naman ako. Puloy, kung gusto ni kano na itumba ka, matagal n asana. Wala hong  Bureau of Immigration Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO),lalo na hold departure order si Puloy. Si puloy ay nahaharap sa mga kasong panggagahasa at cyberlibel sa Pinas. Magbibigay galang Kiwal ang Values Bocaue Advocates kay hepe Manuel De Vera bukas, Pebrero 28, 2024. May seminar din tayo ng One Hope sa Sabado, magkita-kita tayo. Get well soon Maria Luisa Soriano ng Bagong Bansang Maharlika. Jonathan Fernandez, nagkakalimutan na yata a.

Leave a comment