Komedya o Komida
Ni Derek Jorge

Komedya sa korte
NAGWAKAS ang komedya sa pag-upo ni Judge Oscar Noel Jr. sa kasong panghahalay dahil suspendido sya ngayon. Shout out muna kina Marked Men for Christ Eduardo Halili, Reimbert Yap, Victor Prado, masiglang lagi ang aming p3 sa Burol 2nd Balagtas, Bulacan. Sampung taon ba namang natulog sa sala ni Noel ang usaping rape. Suspendido si Noel dahil “gross neglect of duty.” Pinagmumulta pa si Noel ng P250,000, sampung taon ba naman bago nabigyang katarungan ang biktima. Kasambahay na Roldan, hindi susulong ang pagdisiplina kay piskal kung hindi ka kikilos na ireklamo sya. Saan ka nakakita Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal na nabasura ang kasong criminal dahil sa “lack of jurisdiction.” Hindi ako naniniwalang tanga itong si fixkal, kumita ito. Titser Gina, inisin mo ako nang inisin, at makukulong ka. Kung saka-sakali ay ngayon lang kayo makakikita ng nakulong dahil nambastos sa patawag ng Katarungang Pambarangay, sabihan ba naman akong hindi sya sisipot sa pagdinig at isyuhan na lang ng CFA ang complainant nya para magkita sila sa korte. Paano kung icontempt kita para makulong at makausap. Sa a-kinse na ang duty ko sa camp Highlands, Iba, Zambales at sa 20 naman ang Marked Men seminar sa Baguio City. Magkita-kita tayo. Sige nga Tulfo, ipakita mo ang video na pati batang paslit ay tumataya sa “color game” sa perya. Tyak reregaluhan ka ni gambling lord Rogelio Mistica Jr. alias Jun Mistica ng milyones. Dalawa raw sugalan ngayon nitong lintsak na ito, Rodriguez at Angono, Rizal. Hayaan mo’t maaasikaso rin kita.
