iskup news-on-line daily

Komedya o komida

Ni Derek Jorge

Komedyanteng titser

KOMEDYANTE rin itong publikong gurong ayaw makipag-usap sa kanyang tiyahin upang malutas nang walang gaanong gastos ang hatian sa manang lupa. Shout out muna kina Binang 1st Barangay Chairman Alfredo Quiambao, Admin Ricardo Sta. Ana. Tahasang paglabag sa Katarungang Pambarangay batas ang pagtutol ni teacher Lina sa pagsipot sa paanyaya sa Mediation. Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal, akala ko may pinag-aralan ang maestro, bakit hindi alintana ang panganib sa kanyang ginawa. Paano kung i-cite ni chairman for indirect contempt si teacher sa Metropolitan o Municipal Trial Court, makukulong ito ng sampung araw nang walang pyansa. Hindi lang iyan kasambahay, ikukuwento ko lang ang proseso, kapag inaprobahan ni judge ang petisyon sa indirect contempt. Mag-iisyu sya ng mandamyento de aresto at darakpin ng pulis si teacher habang nasa paaralan, hindi kaya eskandalo, gurong inaresto sa eskwelahan? Ito naman ay upang makausap lamang at mapagpaliwanagan sa “extra-judicial settlement, walang bayad na pagsasayos ng mana. Kasambahay, igalang ang KP. Magkita tayo bukas Derek Joel Borreta sa tanggapan ni Lt. Col. Manuel De Vera para sa squading. Plantsado na raw ng mga sindikato ng pasugalan ang paglalagay ng “color game” at “drop ball” sa Kalakhang Maynila? Sabi ng kapampangan “subukan pamo para mabalo”. Hindi ba ombudsman Martirez?   Walong araw na lang at “Iba, Zambales, here we comes!” sa petsa 20, Marked Men for Christ Philippines sa Asia Pacific Theological Seminary, Baguio City.  Happy Heart Month mahal. pakikiramay sa naulila ni Gng. Rosales, ang labi ay inuukulan ng luksang parangal sa Krus sa Wawa Memorial Chapel,Bocaue, Bulacan. Para sa anumang problema, jrglpz@yahoo.com.

Leave a comment