Komedya o Komida
Ni Derek Jorge

Komedysnteng Digong
KOMEDYANTE rin itong dating pangulong Digong pero hindi komedya ang posibleng ikakulong nito ang kasong sedisyon na “no bail recommended “ pala kapag naisampa sa justice department. Shout out muna Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal kina Bocaue Values Advocates Wilfredo Jimenez Jr., Rodrigo Nicolas, Joel Borreta, Ricky Buizon, Alex Driodoco, kahalili kasambahay ang inyong lingkod sa “Thursday squadding” ng Bocaue Police. Ang pagpipilit ni Digong at dating House Speaker Pantaleon Alvarez na maihiwalay sa Pilipinas ang Mindanao ay tahasan daw paglabag sa soberenya ng bansa at sa 1987 Saligang Batas na usaping sedisyon at hindi pinahihintulutang makapagpyansa ang nahaharap ditto, e di makukulong si Digong. Ano nga naman ang ginawa ng dating president noong kanyang termino at hindi niya inungkat ang ganoong paksain at ngayong wala na sya sa poder saka sya maghihimutok, nagkataon lang kayang narito sa bansa ang international rapporteur, ikot ang pang-upo niyang baka maaresto? Nagaganyak ang Komedya sa posibleng pagbabalik sa himpapawid ng programang haranahan “Pananambitan ng Puso”, ito Kiwal ay isinahimpapawid noong dekada 70 sa Lungsod ng Lucena sa Quezon at sisikaping i-upload sa You Tube, abangan po. Shout out din kay Bocaue Police Chief Manuel De Vera, mespo Salvatierra.
