Mga Kawikaan 2
Ang Kahalagahan ng Karunungan
2 Aking anak, ang mga pangaral ko ay
dinggin mo,
at ang aking mga
utos, ingatan nga at sundin mo.
2 Ang pakinig mo’y
ibaling sa wastong karunungan,
at ito ay isipin
nang iyong maunawaan.
3 Pagsikapan mong
hanapin ang tunay na kaalaman,
pang-unawa’y
pilitin mong makita at masumpungan.
4 Kung ito ay
parang pilak na iyong hahanapin,
at tulad ng
ginto, na iyong miminahin,
5 malalaman mo kung
ano ang kahulugan ng paggalang at pagsunod kay Yahweh,
at matatamo ang
kaalaman tungkol sa Diyos.
6 Sapagkat si
Yahweh ang nagkakaloob ng karunungan,
sa bibig niya ang
kaalaman at unawa’y bumubukal.
7 Bibigyan niya ng
unawa ang matuwid ang pamumuhay,
at ang taong
matapat ay kanyang iingatan.
8 Binabantayan niya
ang daan ng katarungan,
at ang lakad ng
lingkod niya’y kanyang sinusubaybayan.
9 Kaya nga, iyong
mauunawaan ang katuwiran at katarungan,
at iyong susundan
ang landas ng kabutihan.
10 Lalawak ang
karunungang matatanim sa isipan,
madadama ang
kasiyahang dulot nitong kaalaman.
11 Ang natamong
kaalaman sa iyo ay mag-iingat,
ang unawa’y
maglilihis sa liku-likong landas.
12 Ilalayo ka nito
sa masamang pamumuhay,
at doon sa mga
taong ang nais ay kaguluhan;
13 ilalayo ka rin
nito sa mga tampalasan,
na ang landas na
pinili ay landas ng kadiliman,
14 mga taong ang
hilig ay paggawa ng kasamaan,
ang kanilang
kasiyaha’y pawang walang kabuluhan.
15 Sa ugaling taglay
nila’y di sila maaasahan,
sila ay hindi
tapat, hindi mapagkakatiwalaan.
16 Malalayo ka sa babaing mahalay,
at sa kanyang
pang-aakit ay hindi ka maaakay.
17 Siya ay babaing
hindi tapat sa asawa;
ang sumpaan sa
altar ay binaliwala niya.
18 Kaya naman ang
landas niya’y patungo sa kamatayan,
at ang kanyang
buhay ay tungo sa kawakasan.
19 Sinumang maakit
niya ay tuluyang natatangay,
at hindi na
makakabalik sa maayos na pamumuhay.
20 Kaya nga, tahakin mo ang landas ng
kabutihan,
huwag itong
hiwalayan hanggang hininga ay mapatid.
21 Pagkat ang
mabuting tao’y magtatagal sa daigdig,
ang may buhay na
matapat ay hindi matitinag.
22 Ngunit ang masama
sa lupai’y mawawala,
bubunutin pati
ugat ng lahat ng mandaraya.
