KAWIKAAN 1
Ang Kahalagahan ng mga Kawikaan
1 Ang mga kawikaan ni Solomon na anak ni David, hari ng Israel.
2 Sa pamamagitan nito, ang tao’y magtatamo ng karunungan at pang-unawa sa mga salitang puno ng aral sa buhay. 3 Itinuturo nito ang matuwid na paraan ng pamumuhay, katuwiran, katarungan, at katapatan. 4 Mabibigyan nito ng talino ang mga walang karanasan, at ang mga kabataa’y matuturuang magpasya nang tama. 5 Sa pamamagitan nito, lalong tatalino ang matalino at magiging dalubhasa ang kakaunti ang kaalaman. 6 Sa gayon, lubos nilang mauunawaan ang mga kawikaan, gayon din ang palaisipan ng mga marurunong.
Payo sa mga Kabataan
7 Ang paggalang at
pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan,
ngunit
walang halaga sa mga mangmang ang aral at mga saway.
8 Anak ko, dinggin mo ang
aral ng iyong ama,
at huwag
ipagwalang-bahala ang turo ng iyong ina;
9 sapagkat
ang mga iyon ay parang korona sa iyong ulo,
parang
kuwintas na may dalang karangalan.
10 Aking
anak, sakali mang akitin ka ng mga makasalanan,
huwag
kang papayag, tanggihan mo sila.
11 Kung
sabihin nilang, “Halika’t tayo ay mag-abang,
bilang
katuwaa’y daluhungin ang mga walang malay.
12 Sila’y
ating dudumugi’t walang awang papatayin,
at sila
ay matutulad sa patay na ililibing.
13 Ating
sasamsamin ang lahat nilang kagamitan,
bahay
nati’y mapupuno ng malaking kayamanan.
14 Halika at
sa amin ikaw nga ay sumama,
lahat ng
masasamsam, bibigyan ang bawat isa.”
15 Aking
anak, sa kanila ay iwasan mong makisama,
umiba ka
ng landas mo, papalayo sa kanila.
16 Ang lagi
nilang hangad, gumawa ng kasamaan,
sa tuwina
ang bisig ay nakahanda sa pagpatay.
17 Sa
pag-uumang ng bitag ay walang mangyayari,
kung
nakikita ng ibon na nais mo siyang mahuli.
18 Ngunit
hindi nalalaman ng mga taong iyon,
bitag
nila ang sisilo sa sarili nilang ulo.
19 Ganyan
ang uuwian ng nabubuhay sa karahasan,
sa ganyan
nga magwawakas ang masamang pamumuhay.
Ang Paanyaya ng Karunungan
20 Karununga’y umaalingawngaw
sa mataong lansangan,
tinig
niya’y nangingibabaw sa lugar ng pamilihan.
21 Ito’y
lumalampas sa mataas na mga muog,
ang ugong
niya’y naririnig sa pintuan nitong lunsod:
22 “Taong
mangmang, walang hustong kaalaman,
hanggang
kailan ka tatagal sa abâ mong kalagayan?
Hanggang kailan ka mananatili sa iyong kamangmangan?
Kailan mo
pa iisiping maghanap ng kaalaman?
23 Ang payo
ko ay pakinggan n’yo at dinggin ang aking pangaral;
sasainyo
ang diwa ko at ang aking kaalaman.
24 Patuloy
nga itong mga panawagan ko sa inyo,
ngunit
hindi ninyo pansin pati mga saway ko.
25 Winalang-bahala
n’yo ang aking mga payo,
ayaw
ninyong bigyang pansin, paalala ko sa inyo.
26 Dahil
dito, kayo’y aking tatawanan,
kapag
kayo’y napahamak, nasadlak sa kaguluhan.
27 Kapag
kayo ay hinampas ng bagyo nitong buhay,
dinatnan
ng kahirapan, ipu-ipo ang larawan,
at kung
datnan kayo ng hapis at matinding dalamhati,
28 sa araw
na iyon ay di ko papakinggan ang inyong panawagan.
Hahanapin
ninyo ako ngunit hindi masusumpungan.
29 Pagkat
itong karunungan ay di ninyo pinahahalagahan,
kay
Yahweh ay di sumunod nang may lakip na paggalang.
30 Inyo pa ngang
tinanggihan itong aking mga payo,
itinapong
parang dumi itong paalala ko.
31 Kaya nga,
inyong aanihin ang bunga ng inyong gawa,
at kayo
ay uusigin ng inyong pagnanasang ubod sama.
32 Katigasan
ng ulo ang papatay sa mangmang,
sa dusa
ay masasadlak sa kawalan ng kaalaman.
33 Ngunit
ang makinig sa akin, mananahan nang tiwasay,
mabubuhay
nang payapa, walang katatakutan.”
